MMC sinangayunan ang mataas na multa sa mga dumadaan sa EDSA Carousel Bus Lane

Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang pagtaas ng mga multa at parusa laban sa mga motorista na patuloy dumadaan sa EDSA Bus Carousel lane, na nakalaan lamang para sa mga bus at iba pang emergency na sasakyan.

Ayon sa inilabas na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Regulation No. 23-002, napansin ng konseho na marami pa ring privately-owned vehicles ang gumagamit nito sa kabila ng patuloy na babala at paalala ng MMDA.

Sa dating isang libong multa, itinaas ito sa P5,000 para sa 1st offense, P10,000 at one month suspension ng lisensya para sa 2nd offense, P20,000 at one year suspension ng lisensya para sa 3rd offense, at P40,000 para sa 4th offense, kasama ang rekomendasyon sa Land Transportation Office (LTO) para sa pagbawi ng lisensya.

Ayon kay MMC President and San Juan City Mayor Francis Zamora, ipapatupad lamang ang mga parusa at muta kapag naisumite na ito sa National Administrative Register sa University of the Philippines Law Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *