MMDA: ‘di na kailangan ng ‘traffic czar’ para sa trapiko sa bansa

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa naamn kailangan na magtatag o mag-appoint ng isang tao na magsisilbing ‘traffic czar’ para pamunuan ang mga hakbang para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bansa.

Reaksyon ito ng MMDA sa naging suhestyon ng ilang mga grupo na napapanahon na daw na magkaroon ng punong-abala na tanging trapiko lamang ang tuttukan.

Sabi ni MMDA GM Usec. Propolio Lipana – tuluy-tuloy pa rin naman daw ang mga pag-aaral para masolusyunan ang di na matapos-tapos na traffic sa Kamaynilaan.

Aminado rin si Lipana na masiyado nang maraming sasakyan, na ‘di naman sumasabay sa mga istrukturang mayroon tayo sa ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *