MMDA, hindi nagrekomenda ng suspension ng klase, sa kabila ng tigil-pasada bukas

Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na hindi na sila magbibigay ng panibagong palugit para sa mga jeepney driver na hindi nakapag pa-consolidate.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Office Transportation Cooperative o OTC Chairman Jesus Ferdinand Ortega, may binigay nang isang buwan na due process para sa mga driver/operator para kusa na silang sumunod sa batas.

Kaya ang hindi pagpapa-consolidate ay business decision na ng mga jeepney operator.

Samantala, tinawag din na walang basehan ni Ortega ang ipinalutang na tataas ng 40 hanggang 50 pesos ang pamasahe sa oras na hindi na papayagang makabyahe.

Ani Ortega, ang pagbabantayan sa taas pasahe ay fuel increase, at hindi pwedeng mag deklara ng taas pasahe ang mga modern jeepney nang hindi dumadaan sa LTFRB.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *