MMDA, mas hinigpitan ang parusa para sa mga unauthorized vehicles na daraan sa EDSA Busway

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council (MMC) ay mahaharap sa mas mabigat na parusa ang mga pribadong motorista na patuloy pa ring gumagamit ng EDSA Bus Carousel lanes simula Nob. 13.

Sa pamumuno ni San Juan City Mayor Francis Zamora, nauna nang ipinasa ng MMC ang MMDA Regulation No. 23-002, na lalong nagpapataas sa itinakdang multa para sa paglabag sa “Exclusive City Bus Lane/Bus Carousel Lane” sa kahabaan ng EDSA.

Ang mga bagong multa at parusa sa ilalim ng nasabing regulasyon ay P5,000 para sa 1st offense, P10,000 at one month suspension ng lisensya at road safety seminar para sa 2nd offense, P20,000 at one year suspension ng lisensya para sa third offense, at P40,000 at revocation ng lisensya mula sa rekomandasyon ng LLand Transportation Office (LTO) para sa 4th offense.

Paliwanag ni MMDA Chairman Romando Artes, magsasagawa muna sila ng information campaigns upang mapataas ang kamalayan ng publiko sa bagong kaayusan bago ito maipatupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *