National

MMDA, nakatakdang ipresenta ang final draft ng single ticketing system sa NCR sa Feb. 1

Nakatakdang ipresenta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang final draft ng Metro Manila Traffic Code, na gagamitin para sa single ticketing system sa Metro Manila Council (MMC) sa February 1.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, na inaprubahan ng technical working group ang final draft ng panukalang single ticketing system sa National Capital Region noon pang January 19.

Samantala, sa oras na maaprubahan, magpapasa ang bawat konseho ng 17 local government units (LGUs) ng ordinansa na ia-adopt ang Metro Manila Traffic Code, at saka ipapatupad matapos ang publication.

Sinabi ni Artes na target nilang maipatupad ito sa unang quarter ng 2023.

Mababatid na sa ilalim ng single ticketing system, mas magiging madali na para sa mga traffic violators sa National Capital Region na bayaran ang mga penalidad sa pamamagitan ng Bayad Centers o sa pamamagitan ng mobile apps.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago