MMDA traffic enforcer na umano’y nangongotong, pinatawan ng suspensyon

Pinatawan ng suspensiyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer na umano’y nangingikil sa isang motorista habang gumugulong ang imbestigasyon.

Nangotong daw ito ng P15K sa Luzon Avenue, Quezon City nitong March 15.

Samantala, itinanggi naman ng traffic enforcer ang mga paratang at sinabing wala raw siya sa nabanggit na lugar dahil may lakad sila ng kanyang asawa noong mga panahong iyon.

Hindi rin nito cellphone number ang sinasabing pinadalhan ng e-wallet para sa bayad.

Sa ngayon, nirerepaso na ang CCTV at dokumento ng deployment ng kanilang mga tauhan sa Commonwealth Avenue.

Sa oras na mapatunayang totoo, agad na tatanggalin ang traffic constable at mahaharap sa kasong kriminal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *