Mobile shower trucks, umikot sa Valenzuela City para makatulong sa tindi ng init

Naglibot ang dalawang mobile shower trucks sa lungsod ng Valenzuela para makatulong sa mga residente na maibsan kahit paaano ang init ng panahon.

Tinawag pa ang naturang mga truck na ‘pwestong presko: libreng shower ngayong summer.’

Sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan, pinagawa nila ang truck ng bumbero na may apat na shower enclosure at palikuran.

Una nang umikot ng mobile shower trucks sa Barangay Parada, Valenzuela City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *