‘Modern hero’ na security guard – patay sa pagsagip ng dalawang nalunod na bata sa Liloan, Cebu

CEBU – “Not All Heroes Wear Capes”, ito ang pinatunayan ng isang 18-anyos na security guard na namatay matapos sagipin ang dalawang nalulunod na bata sa baybayin ng Barangay Catarman, bayan ng Liloan, Cebu.

Ang biktima ay kinilalang si Jundel Escorel, working student at residente ng Barangay Poog, Toledo City.
Habang ang mga sinagip nito ay ang magpinsan na edad 11 at 12-anyos.

Ayon kay Police Major Eric Gingoyon, hepe ng Liloan Police Station, ang biktima ay nagtatrabaho bilang security guard sa isang tirahan malapit sa baybayin.

Habang naligo sa dagat ang isang pamilya, nakita ni Escorel na nalulunod ang dalawang bata kaya agad siyang rumesponde at niligtas ang mga ito.

Matagumpay na nasagip ni Escorel ang dalawang menor de edad, ngunit siya naman ang tinangay ng malakas na alon at nalunod.

Na-recover ang katawan ng bayaning security guard sa Suba Bridge ng Barangay Poblacion, Liloan Cebu
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *