Monitoring sa firecracker related injury sisimulan na ngayong araw

CAMARINES NORTE – Sisimulan na ngayong araw, December 21 ng Provincial Health Office at Department of Health ang monitoring at pagtatala ng firecracker related injury.

Kaugnay nito ay nagbigay ng paalala si Senior Health Program Officer Sofia Lorna Ravago, Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) Provincial Coordinator sa Camarines Norte Provincial Hospital, Labo District Hospital at iba pang health facilities sa mga kinakailangang gawin at paghahanda.

Pinatitiyak ni Ravago ang availability ng emergency medical services ngayong holiday season kapag idineklara na ang code white alert.

Kinakailangan ding mayroong designated area para sa management ng fireworks-related injuries at ireport ang lahat ng kaso nito.

Tatagal ang monitoring sa paputok sa January 5, 2024.

Una nang sinabi ni Ravago na target ng PHO ang zero casualty sa paputok sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *