‘Monstrance’ na ninakaw sa simbahan, hindi pa narerekober; mga kawatan, arestado

SORSOGON CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga personahe ng Sorsogon City Police ang ‘monstrance’ na ninakaw sa Our Lady of Fatima Parish sa Brgy Almendras, East District lungsod ng Sorsogon.

Agad namang naaresto ang mga suspek na sina Santiago Posing Desuyo alias Tiago, 64-anyos, may asawa, laborer at naninirahan sa Purok 7, Brgy Caricaran, Bacon District, Sorsogon City; Armando Fernandez Domasig Jr, 41-anyos, shoe repairman, residente ng Sitio Ilawod, Brgy Bitan-o, West District, Sorsogon City at Zaldy Bandujo Dingaran alias Gigi, parking boy at naninirahan sa Brgy Panlayaan ng parehong lungsod.

Ayon sa source ng Brigada News, ang mga suspek ay kinilala ng isang testigo. Mahaharap ang mga ito sa kasong theft.

Kung babalikan, madaling araw noong Martes, Setyembre 27, naiulat ng nasabing simbahan ang pagkawala ng kanilang montsrance kasama ang consecrated host na nakalagay sa Perpetual Eucharistic Adoration Chapel na nasa loob ng compound ng nasabing parish church. Ito umano ay antigo at nagkakahalaga ng P1M.

Bunsod nito, nanawagan ang Fatima Church sa kanilang mga parishioners ng isang penitential act ng Perdon tuwing alas 8:00 ng gabi sa loob ng 9 na araw na nagsimula noong Setyembre 27 at magtatapos sa Oktubre 5, ito umano ay bilang kabayaran para sa paglapastangan sa isang ‘consecrated host.’

Ang Perdon ay ipinag-utos ng Bishop ng Sorsogon na si Most Rev. Jose Alan V. Dialogo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *