Bagong single ng SB19 na Moonlight nanguna sa music chart sa 9 na bansa

Patuloy na namamayagpag hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa ang P-pop kings na SB19.

Ito ay matapos manguna sa mga music chart sa siyam na bansa ang bagong single nilang Moonlight.

Maliban dito trending ang kanilang Moonlight dance challenge sa ilang social media app.

Inilbas ng SB19 ang Moonlight noong Mayo 3 na idinirek ng kanilang miyembro na si Justin de Dios.

Collaboration din nila ang song na ito sa mga international artist na sina Ian Asher at Terry Zhong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *