Moscow, handang papasukin ang mga dayuhan na magpapabakuna kontra COVID-19

Handa ang Moscow na payagan na makapasok sa Russia ang mga dayuhan para magpabakuna kontra COVID-19.

Inihayag ito ni President Vladimir Putin kasabay ng kanyang panawagan sa mga Russians na magpabakuna na rin.

Inutusan na ni Putin ang gobyerno nito na mag-organisa ng paid vaccination programs para sa mga dayuhan.

Kaugnay nito ay iginiit naman ni Putin sa Saint Petersburg International Economic Forum na may pagkakataon ang bawat adult citizen ng Russia na magpabakuna ng libre.

Ipinunto ng 68-anyos na lider na wala pang nairerehistro ang mga otoridad na indibidwal na namatay dahil sa pagpapabakuna at maging siya ay meron first-hand knowledge nito.

Ibinahagi ni Putin na ang pangunahing bakuna ng Russia na Sputnik V, ay rehistrado na sa 66 na bansa, na kung pagsasamahin ang populasyon, ay aabot sa 3-billion na tao.

Matatandaan na inanunsyo ng Kremlin na pribadong nagpabakuna si Putin, ngunit hindi sinabi kung alin sa tatlong brand na meron ang Russia ang ginamit sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *