Nakakustodiya na ng Calamba City Police Station ang isang most wanted carnapper matapos na maaresto ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City, Laguna.
Kinilala ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang suspek na si Dennis Miranda Olivarez, 34 anyos, isang fish vendor at residente ng naturang barangay.
Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna PPO, ang suspek ay itinuturing na Rank no. 5 most wanted provincial level.
Sa report ng Calamba CPS, ikinasa ang manhunt operation laban sa naturang akusado sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Law of the Philippines.
Isinampa ang kaso laban sa suspek noong Agosto 05, 2022 at may inirerekomendang pyansa na aabot sa Php300,000.
Ayon kay Colonel Silvio, ang pagkaaresto sa akusado ay resulta ng pinagsama-samang pagsisikap ng kanilang himpilan at koordinasyon ng komunidad.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…