Human Interest

1.8 million year old na “human tooth”, nadiskubre ng archeologist sa Georgia

NADISKUBRE ng isang archeologists sa bansang Georgia ang isang “human tooth” o ngipin ng tao na pinaniniwalaang may gulang na 1.8 million years.

Ayon sa ulat ng Reuters, natagpuan ang nasabing ngipin malapit sa village ng Orozmani, sa may bahagi ng Dmanisi kung saan rin natagpuan ang mga “human skulls” noong 1990s hanggang 2000s.

Ang pagkakadiskubre sa naturang “human tooth” ay isa umanong senyales at patunay na ang mga sinaunang tao ay namalagi at nanirahan sa Caucasus pagkatapos lisanin ang Africa, halos dalawang milyong taon na ang nakakaraan.

Samantala, ayon kay Jack Peart, ang archeologist na nakatuklas sa nasabing ngipin, ang discovery umanong ito ay nangangahulugang ang bansang Georgia ay mahalagang bahagi ng mundo para sa “paleoanthropology” at human story.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

20 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

20 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

20 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

20 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

20 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

21 hours ago