‘Most wanted’ na suspek sa pangho-holdap sa tindahan sa Maynila – timbog

Arestado ang isang 18-anyos na binatilyong itinuturing na “most wanted person” sa kasong robbery with homicide.

Ayon sa Manila Police District (MPD), ang suspek ay kinilalang si Jomarie Salonga, na ‘di umano’y naging lookout sa pangho-holdap sa isang sari-sari store noong Oktubre 2021 sa Maynila.

Nagkakahalaga ng P100,000 ang natangay ng kanyang kasama at binaril ang may-ari dahilan upang masawi ito.

Ayon sa hepe ng Moriones Police Station, ang pagkakaaresto sa suspek ay malaking bagay upang matigil sila sa pangmo-modus.

Napag-alaman kasing maliban sa pangho-holdap sa tindahan sa Maynila – nagnakaw din daw ang suspek sa isang convenience store sa Gilmore, Quezon City.

Sa kasalukuyan ay pinahahahanap na ng pulisya iba pa nilang kasamahan.

Una naman nang naaresto ang sinasabing lider ng grupo ng suspek sa Quezon City.//JCJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *