Most Wanted Person sa Bicol, patay nang manlaban sa pulisya

Dalawa ang patay sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga pulis at Most Wanted Person sa Bicol.

Nasawi ang itinuturong leader ng Concepcion Criminal Gang at Regional Most Wanted Person sa Bicol na si Gilbert Concepcion at isa pang kasama nito.

Nanlaban umano ang dalawang sa mga otoridad matapos magsilbi ng Warrant of Arrest para sa kasong multiple murder laban kay Concepcion.

Naganap ang engkwentro kagabi sa Brgy. San Martin De Porres, Paranaque City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *