Local News

Most wanted sa Sorsogon naaresto sa Cavite

SORSOGON CITY – Naaresto ang isang most wanted ng Matnog Police matapos ang isinagawang operasyon sa Buenavista II, General Trias, Cavite kaninang alas 6:45 ng umaga.

Inaresto si Arlan Osma Gepoleo, 40-anyos, construction worker, residente ng Brgy Laboy, Matnog, Sorsogon.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng arrest order na ibinaba ng RTC Br 55-Irosin, Sorsogon sa kasong Rape na may relasyon sa RA 7610 o Child Abuse na walang inirekomendang piyansa.

Isinagawa ang operasyon ng mga miyembro ng police intelligence ng Matnog Police bilang lead unit at General Trias PNP kasama ang Regional Intelligence Unit 5, Sorsogon Provincial Intelligence Branch at ng 2nd Provincial Mobile Foirce Company-Bulan, Sorsogon.

Nasa kustudiya na ng Matnog Police ang akusado.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Gaballo bigo kontra Mexican fighter

Bigo si Reymart “Assassin” Gaballo sa kamay ng Mexican fighter na si Kenbun Torres. Napatumba…

5 hours ago

DOJ, nagbabala laban sa mga dayuhang sangkot sa human trafficking sa bansa

Nagbabala ang Department of Justice laban sa mga dayuhang sangkot sa mga iligal na pagnenegosyo…

5 hours ago

NCRPO, magpapakalat ng mahigit 20k pulis sa Sona ni Pangulong Marcos

Humigit-kumulang 22,000 libong mga pulis ang ipapakalat sa NCR para sa ikatlong State of the…

6 hours ago

Pinalayang Pinoy seaman ng Iranian Naval Authorities, nakauwi na sa bansa

Dumating na sa Pilipinas ang Pinoy Seaman na crew ng MSC Aries na halos isang…

6 hours ago

33 street vendor na inireklamo sa Naga, pansamantalang ipinatigil magtinda

NAGA CITY – Pansamantalang ipinatigil magtinda, ang nasa 33 na mga street vendors sa Naga…

7 hours ago

Balikatan exercise – opisyal nang nagtapos

Itinuring na isang tagumpay ang 39th Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at…

10 hours ago