Local News

Panawagan sa pagpapanatili sa schedule ng coding sa mga tricyle sa lungsod ng Cauayan, paguusapan sa konseho

Bukas na pag-usapan ng Cauayan City Council at Public Office Safety Division ang panawagan ng mga tsuper ng lungsod na panatilihin ang schedule ng number coding scheme. 

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cauayan City Councilor Telesforo “Porong” Mallilin, Committee on Transportation, pabor siya sa hindi na pagpapapalit ng schedule ng coding ng mga traysikel sa lungsod.

Ayon kay SP Mallillin, mas maganda umano ito upang hindi na magkaroon ng kalituhan ang mga tsuper sa kanilang schedule sa pamamasada.

Bukod dito, swertehan lang naman umano ang pamamasada kung saan kaakibat  nito ang pagiging madiskarte at pagdo-doble kayod.

Taliwas naman ito kay POSD Chief Pilarito “Pitok” Mallillin dahil lugi umano ang mga traysikel na nagtatapos sa even numbers.

Ito ay dahil ang mga traysikel na nagtatapos ang kanilang body number sa odd numbers ay saklaw nito ang Office Days kung saan marami umano ang pasahero. 

Habang ang mga odd even numbers naman ay matumal at patay umano ang kanilang kita sa araw ng kanilang schedule.

Ayon pa kay POSD Chief Mallilin, mas maganda umanong ipagpatuloy ang rotational schedule ng coding sa lunsod para sa maayos na kalakaran sa pamamasada. 

Matatandaan na ilang beses nang pinalitan ang schedule ng number coding scheme sa lungsod dahil sa mga pagpapatupad ng iba’t-ibang community quarantine status.

Samantala, magkakaroon naman ng pagpupulong kaugnay dito sa araw ng Biyernes ang lahat ng mga TODA sa lungsod katuwang ang Cauayan City Council at ang POSD.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago