Mosyon ng mga Marcoses na muling makuha ang mga isinuko at forfeited assets, ibinasura

Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ng pamilya Marcos family na muling makuha ang mga assets na una nang nakuha pabor sa gobyerno, mga sinukong compromise agreements o mga ikinokonsiderang frozen accounts.

Ang resolution ng Sandiganbayan Third Division, ay bilang tugon sa Omnibus Motion na inihain noong August 10, 2022 at supplement sa Omnibus Motion na inihain noong August 17, 2022 ni dating first lady Imelda Romualdez Marcos at ng kanyang anak na si Irene Marcos-Araneta.

Sa naturang mosyon, hinihilig ang issuance ng writ of execution sa ilalim ng Revised Rules of Court kaugnay sa mga ari-arian na tinukoy bilang frozen accounts, sinuko sa bisa ng compromise agreements, sequestered pero hindi nasa kustudiya ng PCGG (Presidential Commission on Good Government), at sequestered sa ilalim ng kontrol at supervision ng PCGG.

Ayon sa antigraft court, ibinasura nila ang apela para sa writ of execution ng mga Marcoses dahil sa kakulangan ng merito.

Maliban dito, hinihiling din ng korte ang “clarify” sa status ng ilang mga assets at properties na may kaugnayan sa naturang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *