Motor, sumalpok sa isang truck sa Lucena City; Driver, lubhang sugatan

Sugatan ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong motor sa isang aluminum van sa Barangay Ibabang Talim, Lucena City nitong Huwebes, Enero 25.

Ayon sa police report, binabagtas noon ng motor na minamaneho ni alyas “Jhon-jhon” ang pakurbang bahagi ng daan nang mawala ito sa kanyang lane saka sumalpok sa unahang bahagi ng truck.

Nagtamo ng mga injury sa ulo ang driver ng motor kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas habang nagtamo rin ng hindi pa natutukoy na halaga ng pinsala ang parehong sasakyan.

Samantala, nagkasundo naman ang magkabilang panig na magbibigay ng tulong ang driver ng truck kay alyas Jhon-jhon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *