Motorista na sangkot sa road rage sa Taguig, pinatawan ng 90-day suspension ng LTO

Pinatawan ng 90 araw ng preventive suspension ng Land Transportation Office (LTO) ang car registration at driver’s license ng SUV driver na nasa viral na insidente ng road rage sa lungsod ng Taguig.

Nag-isyu rin ng show cause order ang LTO upang pagpaliwanagin ang nabanggit na driver na tumigil sa gitna ng C-5 road at kinompronta ang truck driver habang hinahanapan ng lisensiya.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza III na mananatiling suspendido muna ang lisensya ng sasakyan at driver’s license nito habang inaantabayanan ang resulta ng imbestigasyon ng LTO-NCR.

Pinapaharap ang SUV driver sa LTO-NCR sa ika-4 na Disyembre.

Nabatid na nagpakilalang pulis ang lalaki at pilit nitong kinukuha ang lisensiya ng kaaway nitong drayber ng truck

Nag-ugat ang kanilang away dahil sa sinasabing gitgitan sa kalsada bago pa man nabidyuhan ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *