Motorista, naaksidente sa Narra, Palawan- Patay!

Patay ang isang motorista matapos maaksidente sa tulay ng Barangay Malatgao, Narra, Palawan kaninang tanghali ngayong Sabado, February 10.

Ang rider ay Raffy Armaje Villanueva, 46 anyos na residente ng Barangay Calategas, Narra.

Sa imbestigasyon ng Narra PNP, binabagtas umano ni Villanueva ang National Highway mula sa Barangay Calategas patungo sana sa Aborlan nang mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo dahilan ng aksidente.

Tumama sa bakal ang motorista na lubhang nakapinsala sa kanyang Leeg, ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Samantala, sinubukan pang dalhin sa pagamutan ngunit ideneklara na itong Dead on arrival ng sumuring doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *