Motorsiklo na ninakaw , 7 years ago, narekober!

PITONG taon din bago tuluyang narekober ang isang carnap na motorsiklo mula pa sa Metro Manila.

Khapn kasabay ng pinalakas na kampanya ng Regional Highway Patrol Unit ng PNP-BARMM, naharang ng mga ito ang isang unit ng Honda RS with Plate Number  4067NQ, Engine Number KPG00E016296 and Chassis Number KPG00016286 sa bahagi ng Barangay Poblacion, roundball ng bayan ng Shariff Aguak Maguindanao.

Sinabi ni Maguindanao Provincial Highway Patrol Unit head, PLT TAHA G ENOK na habang nagsasagawa sila kahapon ng Anti Carnapping Operation ay naharang nila ang isang lalaki na nagmamaneho ng motorsiklo na walang suot ng helmet, walang drivers license, paggamit ng improvised plate number.

Kaagad isinailalim sa HPG Verification Information Management System ang nasabing motorsiklo at lumabas nga na ito ay kabilang sa mga motorsiklo na naka-nationwide alarmed at ito ninakaw noong October 14, 2014 at naiblotter ito sa Eastern Police District.

Nasa kostudiya na ngayon ng RHPU sa Cotabato City ang nasabing motroisklo gayundin ang suspek na nakilalang si Saudi B Pangadil na residente ng Barangay Tukanalipao, Mamasapano Maguindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *