MP Dimple Mastura, pinangunahan ang pagpapasinaya sa dalawang Proyekto sa Sultan Kudarat, Maguindanao

PINANGUNAHAN ni Bangsamoro Member of the Parliament Bai Dimple Montañer Ibrahim-Mastura ang pagpapasinaya sa farm to market road at children’s park sa Barangay Dalumangcob ng bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon.

Ayon kay MP Mastura, inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon ang nasabing proyekto at sa mga susunod na mga araw ay pasisinayaan din ang kahalintulad na mga project sa mga bayan ng Mother at Northern Kabuntalan.

Bukod dito mayroon ding itatayong street lights sa mga bayan ng Barira, Buldon, Matanog, Parang, Sultan Mastura, Upi at Datu Odin Sinsuat na pawang nasa unang distrito ng Maguindanao.

Nakatakda na ring iturnover para sa mga LGU na recipient din ng kanyang mga programa ang ilang sea ambulance.

Prayoridad anya ngayon ng Bangsamoro Government ang pagpapatud  ng mga proyektong makakatulong sa pag-unlad ng rehiyon para sa maayos na pamumuhay ng mga residente nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *