Ms. Kasanggayahan Kalikasan 2019 nagbigay ng kanyang reaksyon sa katatapos lang na 69th Miss Universe pageant

SORSOGON CITY – ‘’Acceptance.’’

Ito umano ang isa sa mga katangiang dapat taglayin ng sinumang sasabak sa anumang uri ng paligsahan partikular na sa mga beauty pageant.

Sa panayam kay Youth In Action Representative at Ms. Kasanggayahan Kalikasan 2018 Justine Joy Escalante Bornel, sinabi nito na una sa lahat dapat ang isang pambato ay marunong at alam kung papaano tumanggap ng pagkatalo.

Aniya, bagama’t sobrang mahirap ang pinagdadaanan at mga sakripisyo ng isang sumasali sa mga beauty pageant, hindi rin naman talaga kasi maiiwasan na mayroong mga hindi papabor at susuporta sa’yo, kung kaya’t kinakailangan na matatag at handa ka sa anumang mangyayari.

Dagdag pa ni Bornel, mahalaga rin na alam ng isang sumasali sa mga kahalintulad na patimpalak kung papaano iha-handle ang kanyang sarili sa anumang uri ng sitwasyon na dumating.

Una rito, sinabi ni Bornel na bukod sa pagiging mentally at physically prepared pinakamahalaga pa rin ang panalangin.

PHOTO: Facebook grabbed

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *