MSWDO personnel nagtungo sa ilang mga Barangay ng Mercedes para ipaliwanag ang hinggil sa Expanded Solo Parent Act

CAMARINES NORTE – Nagtungo sa iba’t-ibang Barangay ng Mercedes ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) upang ipaliwanag ang  tungkol sa Expanded Solo Parent Act.

Dito ay ipinapaliwanag ang mga nakapaloob sa naturang batas at kung sino ang maaaring ma-qualified.

Nakapaloob sa naturang batas na nag-“lapse into law” noong June 4, 2022, na ang mga solo parent na may minimum wage o mas mababa pa ay makatatanggap ng subsidya.

Ang mga kumikita naman ng mas mababa sa P20,000 ay makatatanggap ng 10-percent discount at exemption sa value-added tax para sa ilang baby products tulad ng gatas pambata, pagkain, bitamina at diapers.

Bukod sa mga nabanggit, makakukuha rin ng full scholarship sa TESDA ang mga solo parent na may edad 22 taong gulang pababa basta maabot ang itinakdang requirements.

Mabibigyan din ang mga ito ng 7-day paid parental leave mapa-pribado at sa gobyerno man ito nagtatrabaho.

Otomatiko ring mapabibilang ang isang solo parent sa National Health Insurance Program.

Ilan sa mga kategorya ng pagiging solo parent ay ang mga namatayan ng asawa, pagkakaroon ng mental o physical incapacity, at legally o de facto separated ng hindi bababa sa anim na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *