Muling pag-uusap ng mag-asawa matapos ang 23 taon, labis na ikinatuwa ng kanilang mga anak

Labis na kinatuwa at naging emosyonal ang 3 magkakapatid sa Japan, nang marinig nilang muli ang kanilang ama na si Otou Katayama na nakipag-usap sa kanilang ina na si Yumi, matapos ang 23 taon na tila pagka-pipe nito.

Ito ay matapos na humingi ng tulong sa Hokkaido Television si Yoshiki, 18 taong gulang na bunso sa tatlong magkakapatid.

Kasama ang kaniyang dalawang nakakatandang kapatid, at host sa nasabing telebisyon ay tumungo sila sa Nara Park.

Bukod sa ito ang itinakdang meeting place ng mag-asawa, ito rin ang kanilang kadalasang pasyalan.

Biglang naging emosyonal ang magkakapatid habang patagong pinakikinggan ang pag-uusap ng mag-asawa, nang mapag-alaman ang ugat nang mahigit 2 dekadang hindi pagkikipag-usap ng ama sa kanilang ina.

Ang rason sa likod nito, ay dahil sa tampohan ani Otou kay Yumi dahil nawalan na ito ng oras para sa kanya at nakatuon ang atensiyon palagi sa kanilang mga anak.

Gayunpaman, ang naganap na pag-uusap ay isang panibagong simula nang isang maayos na relasyon ng mag-asawa.### Mitzi Lomerio, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *