Muling pagbalik ng mga agricultural schools sa Pilipinas, aprubado sa isang grupo ng kabataan sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Aprubado sa Mambulo Nuevo Rural Workers Association (MANU); isang grupo ng kabataan sa Libmanan, Camarines Sur ang isinusulong na pagbibigay ng pokus ng pamahalaan sa pagpapatayo ng mga agricultural school sa bansa.

Ang nasabing grupo ay may kaparehong hangarin na maiparating sa mga kabataan ang importansya sa pagkakaroon ng kaalaman sa agrikultura. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Lito Redecilla, presidente ng MANU Association, bago pa man tuluyang mamatay at mawala ang mga magsasaka sa bansa, ngayon pa lang ay dapat may ginagawa nang hakbang, hindi lang ang gobyerno, maging ang komunidad.

Hangad nila na nawa’y mapukaw ang agricultural interest ng mga kabataan upang may maaasahan pa rin ang ating bansa sa sektor ng agrikultura sa mga susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *