Muling pagsusuot ng facemask, iminumungkahi ng DOH

Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magsuot ng face mask bilang proteksyon sa bagong EG.5 omicron subvariant.

Maliban sa patuloy na pagsusuot ng facemask ay nirerekomenda rin ng ahensya ang pag-a-isolate ‘pag may sakit, at pagpapaturok ng COVID-19 vaccine at booster para mapalakas pa ang proteksyon ng katawan laban sa virus at iba pang nakahahawang sakit.

Noong July 27 ay may naitala nang 10 kaso ng bagong omicron subvariant sa bansa na nakabase sa genome sequencing na isinagawa noong July 14 hanggang July 25.

Sa ngayon ay sinusuri pa ng mga eksperto ang transmissibility, severity, immune evasion at ang kinaibahan ng EG.5 sa orihinal na omicron variant.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *