Multi-sectoral groups, nagkilos protesta para tutulan ang fossil gas bill

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga multi-sectoral na grupo sa labas ng Senado upang tutulan ang fossil gas bill.

Ito ay kasunod ng pagdinig sa senado ngayong araw ng mga panukalang batas sa industriya ng natural gas.

Ayon kay Atty. Luke Espiritu, Pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, itong ginagawa ng senado na proposal ay magreresulta sa 35-40% na pagtaas sa bill ng kuryente.

Aniya, isang kabaliwan na pahirapan mamayang pilipino.

Dahil sa mahal na gas ay dagdag na pasanin ang mas mataas na singil sa kuryente.

Bukod dito, sinabi rin ni Espiritu, na bukod sa mataas na presyo ay magdudulot rin ito ng pagkasira ng kalikasan.

80% umanong mas delikado at mas peligroso ang fossil gas kaysa sa coal.

Dahil dito nanawagan si Espiritu sa senado na mag isip at ang dapat pag usapan ay kung paano higit na maaayos ang pamumuhay ng mamamayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *