Muslim Community sa Naga City pinag-iingat sa sunog!

NAGA CITY –  Sa pag obserba ng Fire Prevention Month, inabisuhan ngayon ni Mike Mustapha, head ng Muslim Community sa Naga City ang kanyang mga kasamahan na mag-doble ingat sa pag gagamit ng kandila, ng gasera para makaiwas sa sunog ,maging ang pag “jumper” sa linya ng kuryente ay iwasan din.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng sunog, lalo pa sa tulad nilang komunidad na magkakadikit ang mga bahay. Ayon sa kanya regular naman siyang nag-iikot sa mga baha-bahay para paalalahahan ang lahat na mag-ingat lalo na iyong may mga anak na maliliit na puwedeng paglaruan ang anumang bagay na pagmumulan ng sunog ,tulad ng posporo, papel at iba pang mga bagay na madaling kapitan ng apoy.

Bago pa man pumasok ang buwan ng Marso, may ilan ng insidente ng sunog na nangyari sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *