Muslim Community sa Naga City, positibo ang tugon sa Anti-Child Marriage Act sa bansa

NAGA CITY – Positibo ang naging tugon at pabor ang Muslim Community sa lungsod ng Naga, matapos na maisabatas ang Anti-Child Marriage Bill sa Pilipinas.

Kung saan ang batas na ito ay nagbabawal o iligal na ang pagpapakasal ng isang adult sa menor de edad.

Sa traditional kasing pagpapakasal ay bukas ang ilang mga grupo o tribu sa ganitong uri ng pagpapakasal; ang menor de edad na ikinakasal sa nakakatanda.

Sa ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni  Mike Mustapha, Head ng Muslim Affairs Office, sinabi nitong hindi negatibo ang kanilang pananaw hingil sa batas na ito at hindi rin sila tumututol, katunayan aniya ikinatutuwa pa nila ito lalo na para naman sa kabutihan ng mga menor de edad.

Maging siya ay hinihikayat ang mga kabataan at mga magulang na mga Muslim na huwag na munang magpakasal at ipakasal ang kanilang mga anak lalo na kung walang kakayahang magdala ng pamilya o hindi kayang buhayin ang pamilya.

Sa ulat ng the United Nations Children’s Fund sinabing halos umabot sa kalahating milyong mga babae ang ikinasal sa panahon ng kanilang “Childhood” , pinaka marami sa sub-Saharan Africa at South Asia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *