MVP Group, target na pasukin ang vaccine production sa Pilipinas

Nais ng trycoon na si Manuel V. Pangilinan na masubukan ang vaccine production sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pagpasok sa partnership kasama ang mga global vaccine giants.

Sinabi ni Pangilinan sa stockholders meeting ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na isinagawa virtually, na interesado ang grupo sa local manufacturing ng vaccine at boosters.

Ayon kay Pangilinan, nasa maagang bahagi pa lang ng pagpaplano ang kompanya, at wala pa itong naseselyohan na partnerships kasama ang global vaccine producers.

Hindi lamang nito sasaklawin ang mga bakuna at boosters laban sa COVID-19,m kungdi para na rin sa iba pang mga viruses na nagdudulot ng influenze, chicken pox at polio.

Iginiit rin ni Pangilinan na kung nais nilang bumuo ng mga pasilidad para sa mga bakuna, ay kailangan nilang pumasok sa partnership kasama ang mga international pharmaceutical companies.

Nakapag-order na ang MVP Group ng vaccine doses mula sa Moderna at AstraZeneca para sa kanilang mga empelyado at dependents.

Plano rin ng MVP group na mamahagi ng mga bakuna sa third-part suppliers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *