Nadine Lustre, na-feature sa Spotify billboard sa NYC

Na-feature ang aktres at singer na si Nadine Lustre sa billboard ng music streaming platform na Spotify, na nakatayo ngayon sa sikat na Times Square ng New York.

Ibinahagi ito ni Lustre sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, kung saan ay mababasa sa caption nito ang: “we made it to nyc fam.”

Makikita sa post ang litrato ng digital billboard na may short clip ng “EQUAL” campaign logo ng Spotify at individual photos ng iba’t-ibang female artists kabilang na si Lustre.

Binati naman ni James Reid, co-founder ng record label na Careless, si Lustre sa bago nitong achievement sa pamamagitan ng pag-post ng litrato ng digital billboard online.

Ipinaliwanag ni Reid na ang “Equal” campaign ng Spotify ay ang bagong global commitment ng music streaming platform para maisulong ang equity sa mga kababaihan sa musika.

Sa ilalim ng EQUAL Global playlist ng Spotify ay na-feature ang “Ivory” mula sa “Wildest Dreams” album ni Lustre kasama ang iba pang mga kanta ng iba’t-ibang women artists kabilang na sina Aiko, LiSA, Zoe Wees at marami pang iba. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published.