Nag-iisang pagi sa aquarium, nabuntis, pating, itinuturong ama?

Nagulantang ang mga scientists matapos mabuntis ang isang stingray o pagi sa kabila ng 8 taong walang talik dahil wala namang kasamang lalaking pagi sa aquarium.

Nabigla ang mga awtoridad na nagbabantay sa Aquarium & Shark Lab by Team ECCO sa Hendersonville, North Carolina, U.S dahil sa kakaibang pangyayari.

Ang pagi ay nagngangalang Charlotte, kaisa-isang pagi sa loob ng aquarium na kung saan mga pating lamang ang mga kasama.

Kaya naman isang malaking palaisipan sa mga scientists kung papaano si nabuntis.

Posible kayang ang ama ng dinadala ng pagi ay isa sa mga kasama niyang pating?

Pero ayon sa inilathala ng Smithsonian Magazine ang kasong ito ay isang prosesong tinatawag na parthenogenesis, isang bihirang paraan ng asexual reproduction kung saan ang isang babae ay gumagawa ng isang embryo nang walang fertilization sa pamamagitan ng semilya ng isang lalaki. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *