Naga Airport Police naka hightened alert na rin ngayong Yulitide Season

NAGA CITY- Handa ang Naga City Airport Police sa pagdagsa ng mga pasahero ng eroplano ngayong Yulitide season, kasama ng mga personahe sa kanilang operasyon ang mga K9 dogs.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCAPT Philip Lanuza, sapat naman ang kanilang tauhan para sa seguridad ng mga papaalis ay dumating na mga pasahero sa naturang paliparan na nasa Pili, Camarines Sur.  Katuwang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sinisiguro nilang hindi mag oover load ang eroplano.

Samantala, pinapaalalahan din nila ang mga nasa airport na boluntaryong mag suot ng facemask. Hindi rin nawawala ang hygiene kits uoang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *