Inirereklamong Naga City Abattoir planong ilipat

NAGA CITY – Nakatakdang ilipat ng ibang lugar ang Naga City Abattoir dahil sa  mabahong amoy nito na inirereklamo ng mga nakatira sa paligid, na umaalingasaw mula umaga hanggang gabi na pinangangambahang simulan ng sakit ng mga resedente doon.

Mismo si Roberto Acabado, head ng abattoir ang nagkumpirma ng kanilang paglipat, matapos na makapanayam siya ng Brigada News FM Naga, na ayon sa kanya ay hindi pa nila alam kung saan, naghahanap pa aniya ng lugar ang City Government.

Sinabi niya ng itayo ang abattoir sa lugar taong 1984 sa Barangay Del Rosario ay hindi pa ito residential, wala pang paaralan, wala pang district jail sa paligid ngunit ngayon ay masyado ng matao sa lugar nila kaya inireklamo na sila.

May ginagawa naman silang paraan para mabawasan ang masamang amoy, tulad na lamang ng pag spray sa paligid, sabi pa ni Acabado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *