Naga City Children’s Home nakatakdang hanapan ng bagong lugar

NAGA CITY – Dumami ang bilang ng mga batang nasa Naga City Children’s Home noong nakaraang Disyembre 2023, sila iyong mga batang na rescue sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon na namamalimos at lagalag sa lungsod, walang magulang at naglayas sa kanilang sariling bahay.

Sa pagdami ng mga bata, hindi na sila kaya pang i-accommodate sa children’s home na may kalumaan na rin kaya kailangan na nilang maghanap ng bagong lugar.

Ito iyong inihayag sa media at sa Brigada News FM Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro, head ng Naga City Council for the Welfare and Protection of Children Elmer Baldermoro kaugnay sa plano nilang lumipat ng lugar o maghanap ng lote para tayuan ng bagong children’s home.

Anya’y kailangan ng mas malawak na lugar ng mga bata para sa kanilang mga activities araw-araw bilang programa at bahagi ng kanilang pag-aaral tulad ng mga ordinaryong bata sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *