Naga City District Abattoir, naka-full force ngayong holiday season; pag-inspeksyon naman ng City Veterinary sa mga buhay na baboy bago katayin, tiniyak

NAGA CITY – Naka-full force status na ang Naga City District Abattoir ngayong nalalapit na ang Holiday Season.

Sa panayam kay Roberto Acabado, Head ng NCDA, ito ay sa mas maraming inaasahan na kakatayin na mga buhay na baboy lalo na pagdating ng Disyembre 22 hanggang 24, sa Disyembre 29 hanggang 30. Halos sa isang araw kasi umaabot ng 215 ang bawat nakakakatay na mas mataas ngayon na nasa 250 na, lalo na tuwing gabi. Ayon pa sa opisyal, maging ang schedule ng kanyang mga personahe ay inayos na at kasalukuyan na munang walang day off, ino-offset na lamang muna, kailangan din kasi ng mas maraming kakatay.

Maliban pa rito, handa na rin ang City Veterinary Office, at sinisigurong na-iinspeksyon lahat ang mga baboy bago katayin, lalo na’t may mga sakit sa baboy na nakikita lamang kapag buhay, maging sa iba pang hayop na maaaring makuha ng tao, kung kaya’t maging ang opisina mahigpit sa ganitong proseso, na bago, habang at pagkatapos upang masiguro ang kaligtasan na dinudoble check naman ng Naga City District Abattoir.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *