Naga City Government naghahanda na sa proclamation rally ni VP Robredo; traffic rerouting  pinaplantsa

NAGA CITY- Naghahanda na ang  City Government ng Naga para sa proclamation rally ng kandidatong pangulong si Vice President Leni Robredo at line up nito sa Pebrero 8, 2022.

Tinututukan ngayon ang traffic rerouting lalo na para sa mga daraan sa business area na Magsaysay Avenue.  Napag-alaman kay Public Safety Office Executive Director Renne Gumba na matapos ang pag-iikot  sa limang distrito ng Camarines Sur , magsisimba sa Immaculate Concepcion at pagkatapos ay planong lalakarin ang kahabaan ng Magsaysay. Isasara simula alas-6 ng gabi ang nasabing daan mula sa Rotonda. Pinaplantsa ngayon ng PSO ang magiging alternative routes.

Maglalagay rin ng apat na mga stations kung saan mayroong mga malalaking monitors. Kasama sa isinasaaayos ang magiging parking areas, panigurado ayon sa konseho magagamit pa ang Dayangdang Area, Peñafrancia Avenue at Melchor T. Villanueva Avenue.

Sa susunod na Regular Session inaasahang maaaprubahan sa konseho ang diversion plans para sa nasabing malaking aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *