Naga City handang-handa na sa pagiging venue ng Bar Examination

NAGA CITY- Handang-handa na ang lokal na pamahalaan ng Naga City, Camarines Sur na maging venue ng Bar Examination.

Mababatid na nakakasaad saSupreme Court (SC) Bar Bulletin Nos. 23 and 29, series of 2021 na sa 16 na mga local venues napabilang ang University of Nueva Caceres (UNC).

Ayon kay Incident Management Team Commander , Public Safety Office Director Renne Gumba naiurong man ng isang linggo ang Bar Exam handa parin ang lungsod para sa Pebrero 4 at ika-6 ng Pebrero.  Mula sa koordinasyon, venue , seguridad, traffic at iba pa.

Inaasahan ang 150 proctors, 476 mag-eexam mula sa iba’t-ibang law schools sa Bicol Region; mga mula sa dalawang law School sa Naga City at Albay ,  isa sa Iriga , Camarines Norte, Probinsya ng Masbate at Sorsogon , inaasahan din ang mula sa Lucena City.

1948 nang buksan ang legal education sa UNC, pioneer sa Bicol Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *