Naga City hindi na makakasama sa bababaan ng inorder na AstraZeneza vaccine ngayong taon

NAGA CITY- Nakikipag deal na sa ibang pharmaceutical company ang lokal na pamahalaan ng Naga matapos na mapag-alaman na hindi pa kasama ang lungsod na makatatanggap ng order sanang AstraZeneca vaccine.

Ayon kay Mayor Nelson Legacion, nasa pangalawang batch ng listahan ang Naga  at ipinaalam ng kompanya na hindi na ito aabutin ngayong taong 2021.

Dahil dito inihayag ng opisyal na nakapag order na ng 50-libo doses ng Covaxin na mataas din ang efficacy rate. Kung papalarin, makakasama ang Naga sa 1st batch ng delivery sa Hunyo o sa Hulyo.

Nakikiusap ang opisyal sa mga residente na naiinip nang maghintay na intindihin ang estado ng kakulangan ng supply ng bakuna sa buong mundo.

Sa ngayon nagpapatuloy ang pagbabakuna sa mga nasa A1 hanganggang A3 priority, ang vaccine ay mula sa Department of Health.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *