Naga City hospital 2 kailangan pa ng 700 million pesos para sa medical equipment’s; ilang Senador nangako na magbibigay ng pondo

NAGA CITY – Nangangailangan pa ng 700 million pesos ang LGU-Naga para sa kompletong medical equipment’s sa City Hospital 2 na nasa Barangay Sta. Cruz, bago pa maibigay ang iba pang serbisyo medical sa mga taga lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Mayor Nelson Legacion, may 20 million pesos ng medical equipment for bidding ang Department of Health Regional Office ngayong taon, at sa susunod na taon ay 30 million pesos pa ang inaasahan niyang matatangap.

Mula ito sa pangako naman ni Senador Christopher “Bong” Go.

May mga pledges din ang ibang Senador, subalit tanging kay Senador Go muna ang positibo para sa medical equipment’s, sabi ni Legacion.

Sa kanyang pahayag sa media at sa Brigada News FM Naga, sinabi ng Alkalde na ang halagang 700 million pesos na kailangan pa ay batay na rin sa dokumentadong request na isinumite sa kanya ni Dr. Joseph Sanchez, Head ng City Hospital 2.

Ang ganitong mga kalaking pondo ay hindi naman kayang pasanin ng City Government kaya kailangan ang tulong ng National Goverment, ng mga Senador na nilalapitan nila, para sa patuloy na katuparan ng mga projects na ito.

Bukod kay Senador Bong Go, may ilan pang Senador ang nilapitan na rin nina Legacion. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *