NAGA CITY – Nasa kalahating buwan pa lamang ng Enero, subalit may na itala ng bagong nag positibo naman sa Human Immunodeficiency Virus Infection and Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS) HIV/AIDS ang City Hygiene Clinic, ayon ito kay Grace Guevarra, ang head ng klinika.
Batay sa kanya, magsisimula na naman silang magbilang ng mga nagpopositibo sa impeksyon na ito sa pagpasok ng bagong taon. Sinabi pa sa Brigada News FM Naga na hindi sila nawalan ng mga kliyente , dahil araw-araw ay may mga nagpapa test sa kanilang mga individual. Anya’y may mga resulta silang hinihintay.
Nabanggit niya na sa katatapos pa lamang na taong 2021, nakapag record ang klinika nila ng 48 na mga HIV/AIDS positive na kung saan noong December ay may nakahabol pang mga nagka impkesyon at apat sa mga ito ay galing sa labas ng Naga City o sa ibang bayan ng Camarines Sur.
Muli nilinaw niya na tinatanggap nila ang ibang mag HIV/AIDS patients dahil dito ang mga ito nagpapagamot, matapos na i-refer ito sa kanila ng ibang klinika.
Abala man ang lahat sa paglaban sa COVID-19, hindi nagpapabaya ang City Hygiene Clinic sa mga kampanya at aksyon upang maiwasan ang kondisyon.
Gitunolan sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kagahapong adlawa, Huwebes og kinatibuk-ang Php…
Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and…
Arestado ang empleyado sa gobyerno kauban ang laing duha ka indibidwal sa gilusad nga drug…
Sinimulan na ng Senado ang proseso sa citizenship ni Bennie Boatwright para mapasama sa Gilas…
CAMARINES NORTE - Inirekomenda ng Philippine Coast Guard sa Lokal na Pamahalaan na maglagay ng…
Sinuspende ng Philippine National Police ang pagpapabura ng mga tattoo ng mga pulis na nasa…