Naga City, nakapagrehistro ng karagdagang 7-libo nais magpabakuna

NAGA CITY-  Maliban sa mga nasa 3, 340 nabakunahan sa Naga City mula sa mga nasa A1 hanggang A4 priority , nakapagtala pa ang lungsod ng nasa 7-libo na nais magpabakuna. Sila ay nagrehistro online via covidvax.naga.gov.ph.

Iprenisenta sa regular session ng Sanguniang Panlungsod ang vaccination status at vaccination plan.

Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office Chief Allen Reondanga ang pabago-bagong guidelines ng Department of Health (DOH) ukol sa bakuna ay nagiging daan din sa pabago-bagong information dissemination kung kaya pinag-aaralang mabuti ang pagpapaliwanag sa publiko.

Gayunpaman pansin na ng Information Technology Office ang pagdami ng interesado kahit pa alam ang limitasyon availability ng brand ng bakunang nais.

Mababatid na 50K ang initial order Naga ng COVAXIN matapos na sabihin ng AstraZeneca na hindi na makakasama ang Naga sa babaan ng order para sa ngayong taon dahil nasa pangalawang batch pa ng listahan.

Imungkahe ni Councilor Miles Raquid Arroyo na palakasin ang kampanya upang hindi masayang ang bibilhing bakuna.

Ang konseho ng Naga ay naniniwalang mahalagang alam at nais na brand ng bakuna ang ituturok subalit naiintindihan din ang problema sa pandaigdigang supply.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *