Naga City nakiisa sa paggunita sa ika-127 taong anibersaryo ni Rizal; pagpapahalaga sa kabayanihan ng bayani, binigyangg-diin

NAGA CITY – Nakiisa ang lungsod ng Naga sa paggunita sa ika isang daan dalawampu’t pitong anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal na may temang Rizal: Pundasyon ng Kahapon, Isinasabuhay Ngayon.

Sa unang bahagi ng programa sa Plaza Rizal, isinagawa ang pagsasadula sa pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan noong 1896, sinundan ito ng flag raising at Wreath Laying Ceremonies at maikling pagprogramang nakasentro sa pag-alala sa buhay, kontribusyon at kabayanihan ni Rizal.

Sa mensahe ni Virgilio Salvador, ang Chapter Commander of the Knights of Rizal, binigyang diin nito ang pagpapahalaga sa mga aral at kabayanihan ni Rizal, habang isinasabuhay ang mga ito bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *