Naga City, nalagpasan ang target sa nagdaang NVD 4

NAGA CITY- Nalagpasan ng Naga City ang bilang ng target bakunahan kontra COVID-19 sa nagdaang National Vaccination Days 4. Ito ay batay sa tala ng Department of Health Bicol.

Target ng lungsod ang 2, 268 na babakunahan para sa kanilang 1st dose, 2nd dose at booster shot. Sa update ng DOH 2, 729 ang accomplishments o 120% ng target. Sa 2nd dose 230% ang naabot, 241% sa primary dose habang 59% sa booster shots, walang target sa Senior Citizen pero may 36 na nagpabakuna.

Sa pagharap ni City Health officer Dr. Butch Borja sa konseho,  sinabing tuloy-tuloy ang pagbabakuna. Sa mega vaccination facility na Jesse M. Robredo Coliseum magbabalik na ang pagbabakuna sa 5-11 anyos sa Marso 23.

Sinabi ring dahil mataas ang vaccination rate ng lungsod at kakaunti na ang nagpapabakuna ang araw-araw na bakunahan ay gagawin na lamang Lunes, Huwebes at Sabado simula sa susunod na linggo o di kaya pagpasok ng Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *