Naga City Veterinary Office nakapagtala ng unang kaso ng dog bite incident ngayong araw

NAGA CITY –  Niruspondehan ngayong araw ng ilang personahe ng City Veterinary Office ang isang pet owner matapos na kagatin ito mismo ng kanyang alagang aso na may lahi.

Kasabay nito ay nagpaalala si Josielyn Niangar, Admin Officer 1 ng naturang opisina na mag-ingat sa pag-aalaga ng ganitong mga uri ng aso dahil sa nag-iiba ang ugali ng mga ito lalo na kung tumatanda na, nagiging agresibo na at ayaw ng kinukulit.

Paliwanag ni Niangar sa Brigada News FM Naga, delikadong alagaan ang may mga lahi kung ihahambing sa mga ordinaryong aso na mas madaling sawayin at mas nagiging malambing pa kung tumatanda na at ang iba nga tahimik na lamang sa isang sulok.

Hindi lang ang aso ang delikado kundi maging ang kagat din ng alagang pusa, na ayon pa sa kanya ay huwag balewalain para hindi na kumalat pa ang rabies mula sa mga ito.

Noong nakaraang taon 2022 nakapagtala ang City Veterinary Office na hindi bababa sa 100 dog bite incidents kada buwan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *