Nagbabadyang pagputok ng Taal – pinabulaanan ng PHIVOLCS

Pinabulaanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nagbabadya na namang pumutok ang Bulkang Taal dahil sa panibago nitong aktibidad.

Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, ang pinapakita ng Taal ay ang patuloy na pagpapalabas ng gases sa magma chamber ng bulkan.

Nilinaw ni Bacolcol na may iba pa kasing tinitingnan kung puputok muli ito.

Kabilang aniya sa mga batayan ang mga lindol na hindi naman daw naitatala.

Sa ngayon, nasa average na 10K tonelada kada araw ang ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *