Naging lindol sa Taiwan, hindi makaka-apekto sa fault line ng Pilipinas – PHIVOLCS

Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko na posibleng mag dulot rin ng pag galaw sa fault line ng Pilipinas ang nangyaring 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol, na walang koneksiyon ang paglindol sa Taiwan sa magiging activity ng mga earthquake generators dito sa Pilipinas.

Sa madaling sabi, hindi gagalaw ang fault line sa bansa dahil lang lumindol sa Taiwan.

Ipinunto ng Phivolcs Director na random event ang pagyanig ng lupa, kaya kung lilindol man dito sa atin ito ay dahil active ang ating fault line dahil bahagi tayo ng Pacific ring of Fire.

Muli ring nilinaw ni Bacolcol na wala nang dapat ipangamba ang mga residente na nasa dulong bahagi ng Pilipinas, dahil agad rin nilang inalis ang tsunami warning kaninang tanghali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *